Malamig na Bato
- Apr 5, 2016
- 1 min read
Hindi ko alam kung anong tama, Coldstone ba o Cold Stone naguluhan din lang ako sa logo. Pero bakit ko ba ito sinasabi?
Bumalik tayo sa Tunay na pangyayari. Sinubukan namin itong konyong ice cream sa Coldstone. Umorder kami ng medyo malaki para pwede na sa aming dalawa. Bale tatlong flavors ang napili namin. Ito ay dulce de leche, strawberry choco at dark chocolate.
Ayun sobrang sarap nya, kaya pala ang mahal haha. Pero sulit. Hindi sya basta bastang ice cream. Medyo malagkit at di mabilis matunaw. Di rin sya masyadong matamis. Tamang tama lang. Una naming naubos ang dulce de leche. 'Yung strawberry choco naman ay hindi ko gaanong nagustuhan. Hindi kasi talaga ako mahilig sa strawberries, pero si bf favorite nya yun. Sabi nya ganun daw talaga ang tunay na lasa ng stawberry. Kaya naisip ko na mas magugustuhan sya ng strawberry flavor lovers. Tapos sa 'kin naman yung dark choco. Masarap sya. Mahilig din kasi ako sa dark chocolate kaya ok sya sa akin.
Ayun na nga, subukan nyo itong Ice Cream na 'to. Tutal summer naman :)
Nga pala dun kami kumain sa may SM North. Andun si kuyang pipilitin kang saluhin 'yung ice cream kahit di mo gusto :( kaya be ready :)

















Comments